Home METRO Notoryus na kawatan, natagpuan patay

Notoryus na kawatan, natagpuan patay

BALAMBAN, Cebu- HINIHINALANG hinataw ng matigas na bagay sa ulo ang isang binatilyo na notoryus na kawatan sa kanilang lugar matapos matagpuan ang bangkay nito, Biyernes sa bayang ito.

Kinilala ang biktima na isang 17-anyos, taga Sitio Immaculada, Barangay Nangka, Balamban.

Batay sa report ng Balamban Police Station, bandang 7:00AM ng matagpuan ang bangkay ng biktima sa Sitio Balaring, Brgy. Abucayan, ng nasabing bayan.

Ayon kay Police Lt. Col. Joey Bicoy, hepe ng Balamban Police Station, nakitaan ng mga sugat sa ulo ang biktima at pinaniniwalaan hinampas ito ng matigas na bagay sa ulo ng naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Kwento ng lolo at mga residente sa naturang lugar kilalang magnanakaw ang biktima sa kanilang lugar.

Sinabi pa ng lolo, na pinalayas niya ang biktima sa bahay matapos siyang nakawan ng ₱60,000 at maging ang mga manok ng kanilang mga kapitbahay noong Disyembre 7, 2023.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang pagkakakilanlan sa mga suspek./Mary Anne Sapico

Previous articleBong Go: Bully at binu-bully parehong tulungan
Next articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo asahan sa sunod na linggo