Manila, Philippines – Mababanaag pa rin ang ganda ng beteranang komedyanteng si Nova Villa even in her 70s.
Perhaps her secret to keeping herself agelessly beautiful has a lot to do with being a comedienne.
And make it a topnotch comedienne at that!
Along with Maureen Larrazabal, naging panauhin si Nova sa Fast Talk with Boy Abunda.
Inaasahan na ng mga manonood na hindi matatapos ang panghapong programa nang hindi hahaluan ng konting pang-iintriga ang mga ipupukol na tanong ng main host.
Pero sa tulad ni Nova, magkaroon kaya ng guts si Boy to ask her about her personal life?
Nagpasintabi muna ang King of Talk kay Nova by saying: “Tita Nova, ito’y bulung-bulungan lang naman…niligawan po ba kayo ni FPJ (Fernando Poe Jr.?)”
It took a couple of seconds bago ipinan ang camera kay Nova.
Pero sa halip na sumagot ito ng oo o hindi, tumingin lang si Nova sa paligid.
Nahagip din ng camera ang ilang segundong pagpapabebe o pagpapa-cute ni Nova bilang makahulugang sagot sa tanong ni Boy.
Sa madaling salita, Nova gave neither an affirmative nor a negative reply.
It was all up to the viewers.
Sabi naman ni Boy: “I’ve learned to patiently wait for answers.”
Gustuhin man marahil ni Nova na sagutin ang tanong, she rather opted to flash an intriguing smile.
Unang-una, tahimik na si FPJ kung saanman man ito naroroon.
What is past should stay as it is.
Hindi katulad ng umano’y walang takot na pag-amin ni Janice Jurado na naging nobyo raw niya nang ilang taon ang Hari ng Pelikulang Pilipino, bagay na itinanggi niya.
It’s Nova’s business to make people laugh, and not to compete with younger stars to gain publicity at the expense of other people lalo’t kung matagal nang nananahimik ang mga ito.