Karla, ginamit ang NPA song sa post, humingi ng tawad!
Manila, Philippines – Kaliwa’t kanang batikos ang natanggap ni Karla Estrada matapos nitong gamitin sa isang FB post ang kanta ng New People’s Army (NPA).
Ginamit ng actress/host ang lyrics sa kanyang reservist post.
Matatandaang nitong nakaraang araw ay inulan siya ng pagbati at papuri mula sa netizens matapos ngang maging Army reservist.
Kabaliktaran naman ang natanggap ngayon ng aktres pero agad naman itong humingi ng tawad sa publiko.
“Ako po ay hindi aware na ang nasabing musika na nailapat sa aking video reel ay isa palang awitin na tumutukoy sa isang grupo na may paniniwalang salungat sa pamahalaan,” sabi ni Karla in a Facebook post.
Sinundan niya rin ito nang paghingi ng tawad saying, “Ako po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa Philippine Army at sa lahat ng taong nasaktan o naapektuhan ng nasabing video reel. Hindi ko po sinadya o intensyon na ilapat sa aking video ang nasabing musika at wala din po sa aking kamalayan kung ano ang kinakatawan o mensaheng nilalaman nito.”
Agad namang binura ni Estrada ang nasabing post na may lyrics ng kanta ng NPA. Paula Jonabelle Ignacio