Home METRO NPA leader tiklo sa MisOcc!

NPA leader tiklo sa MisOcc!

MANILA, Philippines- Naaresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang ranking leader ng New People’s Army (NPA) sa Misamis Occidental.

Sinabi ni CIDG director Maj. Gen. Romeo Caramat Jr. nitong Lunes na sinilbihan ng CIDG-Northern Mindanao ng panibagong arrest warrant si Matias Gaquit sa Tangub City Jail nitong Jan. 19.

Nag-isyu ang Sindangan, Zamboanga del Norte Regional Trial Court noong Jan. 10 ng arrest warrant para sa kasong murder laban sa suspek.

Ani Caramat, nadakip na si Gaquit ng CIDG Misamis Occidental noong Jan. 4, sa Mayor Hilarion A. Ramiro Sr. Medical Center sa Barangay Gango, Ozamiz City, Misamis Occidental para sa kasong murder, rebellion at frustrated homicide charges.

Si Gaquit ang first deputy secretary ng Guerrilla Front Sendong ng NPA’s Western Mindanao Regional Party Committee, ayon sa impormasyon mula sa Philippine Army’s 1st Infantry Division. RNT/SA

Previous articlePrograma para sa mga tsuper na apektado ng PUV modernization program tiniyak ng LTFRB
Next articlePagbubukas ng covered court sa PSAU pinasinayaan ni Sen. Lapid