
WALA nang silbi at talagang panggulo na lamang sa ating lipunan ang New People’s Army, ang armadong unit ng mga komunistang-teroristang Communist Party of the Philippines.
Hindi lang ako ang nagsasabi nito. Kamakailan lamang ay nag-ulat itong si Director Rene Valera, ng Office of Project Development Services – Department of Interior and Local Government , na ang mga supot na pag-atake raw ng CPP-NPA ay papansin o’ epal na lamang at layon lang na makapanggulo at mabalam ang paglalatag ng pamahalaan ng Barangay Development Program o BDP.
Sabi ni Valera, mangilan-ngilan na NPA ay gumagawa nang ingay para maistorbo ang pagpapatupad ng National task Force to End Local Communist Armed Conflict ng mga BDP sa malalayong kanayunan na dati’y hawak at pinepeste ng CPP-NPA.
Hindi nila mapatagal ang panggugulo dahil agad namang rumeresponde ang hanay ng Philippine Army at Philippine National Police.
Sa datos na hawak ni Valera nang mag-ulat ito, isinasaad na noong gumawa nang pananabotahe ang NPA noong November 26, 2022 para sa BDP sa Sitio Ibayasaya, Barangay Tigbanaba, Igbaras, Iloilo, hindi nakaporma ang NPA kaya lang naantala ang mga ginagawang proyekto na galing sa BDP.
Ang resulta, nagalit lalo ang mga residente doon sa kanila, gaya nang nangyari sa kanilang pang-eepal sa San Remegio, Antique at noong January 27, 2023, na kambal na panggugulo ng NPA sa mga barangay ng Kabladdan at Kabanbanan sa Sibalo Antilon, Antique na ikinamatay pa ng tatlo nilang kasamahan.
Lalong ‘di sila makababalik sa mga barangay na binulabog nila ang paglalatag ng BDP. Ito kasi ang paraan ng NTF-ELCAC para paniwalain ang ating mga kababayan na dati’y lokong-loko sa mga ipinakakalat ng CPP-NPA-NDF na mali ang kanilang kinikilalang aalalay sa kanilang kahirapan. Ang BDP ang paraan upang makita ng ating mga kababayan sa mga kanayunan na ang pamahalaan lamang ang makakapag-bigay sa kanila ng kapayapaan at kaunlaran.
Sa BDP, ang mga residenteng mga hirap at malalayong barangay ang namimili kung ano ang una nilang gustong ibigay ng pamahalaan tulad ng kalsada, silid paaralan, clinic o health center at kahit na pangkabuhayan.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!