MANILA, Philippines – Kinumpirma ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army ang pagkasawi ng isang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa naganap na engkwentro sa barangay Milagrosa, Sta. Catalina, Negros Oriental nitong Sabado ng umaga, Agosto 26.
Sinabi ng militar na ang narekober na bangkay ng napatay na rebelde ay hindi pa nakikilala.
Nakuha rin dito ang isang M653 rifle, isang anti-personnel mine, apat na magazine para sa M653 (20 rounds cap), tatlong magazines para sa M653 (30 rounds cap), 40 rounds 5.56 mm ball, electrical tester, tatlong lithium batteries, isang bandolier, limang backpacks na may personal na gamit, tarpaulin at mga pagkain.
Ang engkwentro nitong Sabado ay nag-ugat dalawang araw matapos na mapatay ang isang sundalo sa kaparehong lugar sa Sitio Taleo.
Nagsasagawa ng strike operations ang tropa ng pamahalaan laban sa mga natitirang miyembro ng dismantled South East Front ng NPA.
Sa naunang engkwentro, nasamsam ng mga tropa ang dalawang caliber .45 pistols, tatlong magazines ng Caliber .45, 11 live ammunition ng Caliber .45, isang hand grenade at mga personal na gamit.
Nangako naman si Maj. Gen. Marion Sison, 3rd Infantry Division commander, na magpapatuloy ang kanilang operasyon laban sa mga rebelde.
“This incident (death of a soldier) will not dampen our spirits but will further serve as our motivation to aggressively pursue the remaining members of the Communist Terrorist Group,” ani Sison.
“We will make sure that this ultimate sacrifice paid by our soldier-hero will not be in vain. We will not rest until none of them remain to continue their futile and senseless armed struggle,” dagdag niya. RNT/JGC