Home NATIONWIDE NPA sinupalpal sa pagkamatay ng Bar passer sa Bohol

NPA sinupalpal sa pagkamatay ng Bar passer sa Bohol

MANILA, Philippines – Nagpapakita lamang ng lebel ng panlilinlang ng New People’s Army ang pagkamatay ng isang Bar passer sa engkwentro sa pagitan ng mga sundalo at New People’s Army (NPA) sa Bohol, sinabi ng Police Regional Office-Central Visayas (PRO-7).

Ayon kay Police Lt. Col. Gerard Ace Pelare, si Hannah Joy Cesista ay biktima ng “a wrong and very cruel ideology by the NPA.”

“If proven true that one of those who killed was a lawyer, then we can see the level of deception and this is a very cruel ideology. Another life, another future is destroyed,” ani Pelare.

Kinumpirma ng Bohol Provincial Police Office na si Cesista ay nakapasa sa Bar noong 2023.

Nakikipag-ugnayan na ang PRO-7 sa pamilya ni Cesista sa Samar upang kumpirmahin ang kanyang pagkakakilanlan.

Ani Pelare, tagapagsalita ni PRO-7 chief Police Brig. Gen. Anthony Aberin, ang nangyari kay Cesista ay magiging mahirap para sa pamilya nito.

“Just imagine how the parents and the family feel. They sent their child to school, spent for her to become a lawyer only to be deceived by a wrong and very cruel ideology of the NPA,” aniya.

Si Cesista ang isa sa limang hinihinalang miyembro ng NPA na napatay sa tatlong oras na sagupaan sa Barangay Campagao, Bilar, nitong Biyernes ng umaga, Pebrero 23.

“Actually, there’s already a coordination between the Philippine National Police and her family to check if the Hannah Joy Cesista who passed the Bar and the one who died in the encounter is one,” ayon pa kay Pelare.

Magsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung paano nakasali si Cesista sa NPA.

“We will coordinate with the nearest kin of the suspects then with the presentation of the appropriate documents, the bodies will be released after all the processes are undertaken.”

Maliban kay Cesista, napatay din sa sagupaan ang lider ng NPA Bohol Party Committee na si Domingo Compoc.

Si Compoc ay wanted sa rebellion, homicide, attempted homicide, multiple murder, frustrated murder, at robbery cases.

“There are ongoing hot pursuit operations against some personalities who are part of the rebel group,” paglalahad ni Pelare.

Nasawi rin sa sagupaan ang isang pulis.

“Our regional director has already issued a directive to make sure that all necessary assistance is given to the family of one of our fellow police officers who died in the encounter,” pagsisiguro ni Pelare. RNT/JGC

Previous article‘Ka Luring’ isinusulong maging Santo
Next article15 patay sa sunog sa China