Home METRO NPA todas sa engkwentro sa militar

NPA todas sa engkwentro sa militar

GONZAGA, Cagayan- Inaalam na sa ngayon ang pagkakilanlan ng isang miyembro ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley na namatay na pinamunuan ni Edgar M. Arbitrario, isang pinuno ng New People’s Army o NPA mula sa Mindanao sa engkwentro sa militar sa Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan.

Dakong alas-12 ng tanghali nang maganap ang magkasunod na engkwentro sa pagitan ng NPA at mga tauhan ng 502nd Infantry Brigade sa Sitio Laoc, Barangay Pateng, Gonzaga, Cagayan.

Tumagal ng halos 10 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang kasapi ng teroristang NPA habang isang sundalo ay nagtamo ng sugat na ngayon ay nasa maayos na kalagayan.

Narekober sa lugar ang isang M14 rifle na may magazine, subersibong mga dokumento at personal na kagamitan ng armadong grupo habang sila’y patakas sa pinangyarihan ng sagupaan.

Samantala, pasado alas-5 ng hapon, naitala ang isa pang engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan ng 50th Infantry Battalion ng 503rd Infantry Brigade at ng Komiteng Larangang Guerilla North Abra ng Ilocos Cordillera Regional Committee (ICRC) sa Barangay Naguilian, Sallapadan, Abra.

Halos tumagal din ng 10 minuto ang palitan ng putok, kung saan walang naiulat na nasaktan o nasawi sa hanay ng mga kasundaluhan habang inaalam pa sa panig ng armadong grupo. Rey Velasco

Previous articleBarbie, pinangalandakang takot sa kanya si David!
Next articleTolentino: Unibersidad, gobyerno, industriya magtulungan sa pag-unlad ng agrikultura