Home HOME BANNER STORY NPA wala nang aktibong guerilla front – AFP

NPA wala nang aktibong guerilla front – AFP

MANILA, Philippines – Wala nang aktibong guerilla front ang komunistang New People’s Army, ayon sa Armed Forces of the Philippines.

Giit pa ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na ang arm military ng Communist Party of the Philippines ay mayroon lamang 20 “weakened fronts.”

“Sa pagtatapos ng taong ito, inaasahan namin na ang lima sa 20 na ito ay tuluyang matunaw. Magiging 15 weakened guerrilla fronts na lang ang matitira,” aniya pa.

Sinabi ng AFP noong Hulyo na inililipat nito ang mga pagsisikap nito mula sa internal security operations (ISO) patungo sa external ones (ESO) matapos ang natitirang aktibong mga guerilla front noong 2022 ay nabawasan sa isa lamang.

Matatandaang nagbigay-amnestiya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga rebelde kabilang ang mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF. Santi Celario

 

Previous articleIsa pang nationwide transport strike nakaamba
Next articleWalang backlog sa senior citizen social pension payouts – DSWD