Naaresto ng mga tauhan National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya ang isang 37 anyos na lalaki na umano’y nasa likod ng bomb threat sa National Privacy Commission (NPC).
Na-trace ng NBI ang pinagmulan ng bomb threat message sa Malandayon, Malinao, Aklan.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Atty. Jeremy Lotoc, matapos mahuli ang suspek, sinubukan umano ng NBI na tawagan ang kanyang cellphone upang maberipika at nang mag-ring ang kanyang cellphone at saka siya binitbit.
May 12 nang makatanggap ng bomb threat ang NPC kaya nag-evacuate ang mga empleyado sa kani-kanilang opisina.
Sa loob ng tatlong araw, nakatanggap ang NPC ng hindi bababa sa 10 banta ng bomba.
“Hindi siya tumigil even on the weekend meron pa rin, until Monday. Malaking perwisyo kasi ang dami naming iniimbestigahan, alam nating maraming mga alleged data leak na nangyayari sa atin. Apektado dito hindi lang yung NPC kundi ibang ahensya na nagrerent sa PICC,” sabi ni NPC commissioner John Nery Naga.
Advertisement