Home METRO NPD-DEU chief, 2 opisyal sibak sa pamamaril sa kanilang tanggapan

NPD-DEU chief, 2 opisyal sibak sa pamamaril sa kanilang tanggapan

210
0

MANILA, Philippines – Sibak sa pwesto ang hepe ng ng Northern Police District (NPD)-Drug Enforcement Unit (DEU) at dalawa pang opisyal pamamaril at paggranada sa tanggapan ng (NPD)-Drug Enforcement Unit (DDEU).

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson PLTCOL Luisito Andaya kabilang sa mga inalis sa pwesto sina PLTCOL MichaeI Chavez, hepe ng NPD DDEU; PMAJ Dennis Odtuhan, Assistant Chief, NPD DDEU; at PCAPT Ivan Rinquejo, Commander, Sub Station 4 upang bigyang daan umano ang masusing imbestigasyon hinggil sa naturang pangyayari.

Dagdag pa ni Andaya, posibleng may kinalaman sa pagsalakay sa nasabing tanggapan ang pagkadakip sa mga drug personalities kamakailan.

Advertisement

Magugunitang noong Sabado, ginulantang ng sunod-sunod na putok ng baril na sinundan ng paghahagis ng granada ang harapan ng tanggapan ng DDEU dakong ala-1:45 ng madaling-araw.

Lumagos ang mga bala sa loob ng tanggapan ng DDEU na dahilan ng pagkasira ng hagdanan at pagkakaroon din ng tama ng bala at metallic fragment ng granada ang dalawang nakaparadang sasakyan sa harapan ng naturang tanggapan. Merly Iral

Previous articleDalagita ginangbang ng magpipinsan
Next articleSeaman sumideline sa droga, timbog!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here