MANILA, Philippines – Binato na ng granda ay pinaulanan pa ng bala ng mga hindi nakilalang lalaki ang tanggpaan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) sa Caloocan City Sabado ng madaling-araw.
Naganap ang pg-atake sa opisina ng DEU sa Dagat-Dagatan, ng lungsod 2 a.m. habang ilang pulis ang naka-duty.
Advertisement
Walang naiulat na nasaktan sa insidente ngunit nasira ang ilang bahagi ng tanggapan parikular ang hagdanan.
Ayon sa NPD, posibleng paghihiganti ang motibo ng mga suspek at pauloy ang imbestgigasyon sa pangyayari upang matukoy ang mga salarin. Merly Iral