Home NATIONWIDE NSC sa Tsina: Kasunduan sa kapayapaan sa WPS igalang

NSC sa Tsina: Kasunduan sa kapayapaan sa WPS igalang

MANILA, Philippines – DAPAT na igalang ng Tsina ang commitment nito na pababain ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang sinabi ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya matapos na itaboy ng Chinese Coast Guard (CCG) ang mga filipinong mangingisda mula sa Ayungin Shoal na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Nangyari ang ginawang aksyon ng CCG laban sa mga filipino na nangangalap ng mga seashell sa Scarborough Shoal kamakailan sa kabila ng “bilateral consultation mechanism” meeting sa pagitan ng Maynila at Beijing.

“Nagkaroon ng pag-uusap… na pababain ang tensyon sa West Philippine Sea. Sana tapatan nila ng aksyon sa ground yung ating napag-usapan between the Philippine government and the Chinese government,” ayon kay Malaya sa isang panayam.

“Sana moving forward, ma-implement yung pag-uusap kasi it is not in the interest of the Philippines and China na tumaas ang tensyon ngayon 2024,” dagdag na wika nito.

Nakiisa naman si Malaya sa mga opisyal ng Pilipinas sa pagkondena sa naging aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea.

“Ikinababahala natin ito and we condemn this latest provocative action ng Chinese Coast Guard sa ating mga mangingisda,” ayon kay Malaya.

“Nagpapasalamat tayo sa kumuha ng video kasi kung hindi dahil sa video na yun hindi makikita ng ating mga kababayan na sila ay pinipigilan,” dagdag na wika nito.

ipinakita kasi sa video ang CCG vessel 5204 at isang speed boat nito na nagtaboy umano palayo sa mga mangingisdang Pinoy.

Matatandaang, nitong lang nakaraang Lunes, sinabi ni Marcos na nagkaroon na sila ng kasunduan ni Chinese President Xi Jinping, na papayagan ang mga mangingisdang Pinoy na magpatuloy sa kanilang hanapbuhay sa pinag-aagawang bahagi ng karagatan. Kris Jose

Previous articleICC jurisdiction banta sa soberanya ng Pinas – PBBM
Next articleBantay-riles vs sakuna inaatas ng alkalde sa mga tanod