Home NATIONWIDE NTC: 16.79% ng SIM cards rehistrado na!

NTC: 16.79% ng SIM cards rehistrado na!

104
0

MANILA, Philippines- Umakyat ang bilang ng registered Subscriber Identity Module (SIM) cards sa bansa sa 28,371,192, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Batay sa pinakabagong tally mula sa NTC, mayroon nang 28,371,192 registered cards sa Pilipinas hanggang nitong Feb. 2.

Katumbas lamang ito ng hindi bababa sa 16.79 porsyento ng 168,977,773 milyong SIMs sa buong bansa, na nangangahulugang mayroon pang 140,606,581 unregistered cards sa bansa sa kasalukuyan.

Sa tatlong nangungunang public telecommunication entities (PTEs), pinakamataas pa rin ang bilang ng registrants sa Smart Communications Inc. sa 14,569,983. Globe Telecom sa 11,564,977, at Dito Telecommunity sa 2,236,232 SIM cards.

Matatapos ang mandatory registration sa April 26, 2023 sa paggiit ng national government na malabong magkaroon ng extension sa nasabing registration processes. RNT/SA

Previous articlePH, France sanib-pwersa vs HIV, dengue, iba pang sakit
Next article3 show sa AllTV, sibak muna!