Home NATIONWIDE NTC: Live selfies na lang pwede sa sim card registration

NTC: Live selfies na lang pwede sa sim card registration

411
0

MANILA, Philippines- Inilahad ni Sen. Grace Poe sa budget hearing ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at attached agencies nito na naglabas ng kautusan ang National Telecommunications Commission (NTC) na nagbabawal sa paggamit ng stock photos upang irehistro ang sim cards, at tanging live selfies lamang ang papayagan.

Ito ay kasunod ng pulong ng NTC sa iba pang government at law enforcement agencies at telecommunications companies.

Idinagdag ni Poe na magpapatupad din ng flagging system upang wakasan ang paggamit ng pekeng larawan.

Inatasan ang telcos na rebyuhin ang datos ng mga nakapagrehistro na ng kanilang sim.

“For those that have already registered, telcos shall prioritize for post-validation those that have been flagged as suspicious, such as individuals who registered more than 5 sims or entities who registered more than 100 sims. Those whose names are with random use of letters or characters and those flagged by telcos as suspiciously engaged in text scams, spams, among others,” pahayag ni Poe.

“If the telco discovers that among others the registrants’ information or data do not match, the information, the ID presented or the ID or document submitted are fictitious, then it shall notify the registrant that an immediate barring, temporary deactivation shall be implemented,” dagdag niya.

Kinumpirma ng NTC na nilabas ang memo nitong Sep. 18.

“The memorandum order was issued after consultation with these agencies and stakeholders so they also provided their inputs to address the issue,” paliwanag ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez.

Sinabi ni DICT na pinaiigting nito ang electronic know your customer (eKYC) program upang sawatahin ang scammers. 

“The eKYC was launched 5 months ago, so live na po itong system na ito. There was a transfer of responsibility, in terms of the digital integration of the national ID. Connected na po ito sa eKYC natin. Around 90 million registrants. So the eKYC will solve actually the sim card registation… It will validate if you have that data,” ani DICT Usec. David Almirol Jr.

“This eKYC na dinevelop po ng DICT, it will solve not only po iyong sim card registration, one time big time solution po ito. Pati iyong mga pekeng diploma, iyong mga pekeng driver’s license. Pag nilagay mo iyong first name, last name, middle name, birthday mo at nag-live check ka, pag nag-pretend ka na ikaw ay ibang tao… hindi gagana. The AI technology is really very capable in identifying fraud activites,” patuloy niya.

May payo namab ang DICT sa publiko upang makaiwas sa scammers: 

“Ang number 1 po palaging signal diyan, minamadali kang gumawa ng desisyon. Sasabihin niya na na-hack ang account mo, kailangan mo na mag-click ngayon, huwag ka na maghintay ng ilang minuto. Palagi ka niyang ninu-nudge into a behavior na magmadali ka. Kasi kapag nag-isip ka po kahit isang oras, magdadalawang isip ka na na i-click. So ang number 1 advice po, pag minamadali kayo, naga-appeal sa, alam niyo namang nagpadala sa inyo. Pero sabi may padala ka daw or umaapela sa emosyon, unang-una huwag kayo mag-click sa pinadala sa inyo. Kung bangko allegedly ang kumontak, huwag niyo po i-click iyong pinadala sa inyo. Pumunta ka po doon sa alam mong legitimate na site ng bangko mo,” mungkahi ni DICT Usec. Jeffrey Ian Dy. 

“Number 2, meron po kaming acronym, BIRD, so you block, you ignore, you report, and then you delete the message. Huwag din po kayong sasagot. Kasi sometimes, that is also a way of enticing you to engage further. Kasi depende sa magiging reaksyon mo, kukunin niya iyong behavior mo para ma-hook ka,” dagdag niya.

Nagsagawa ng executive session ang mga senador at DICT officials upang talakayin ang ilang security concerns, maging ang hirit nilang confidential funds. RNT/SA

Previous articleGlaiza, nirendahan ang bibig sa EB!
Next articleWPS patrols paiigtingin ng PAF sa bagong surveillance aircraft mula US

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here