Home NATIONWIDE NTC nagbabala sa publiko vs panggap na emplayadong manloloko

NTC nagbabala sa publiko vs panggap na emplayadong manloloko

Inalerto ng National Telecommunications Commission (NTC) ang publiko tungkol sa mga indibidwal na nagpapanggap na tauhan o empleyado ng NTC.

Inilabas ng komisyon ang pahayag nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 27 matapos makatanggap ng ulat sa pamamagitan ng kanilang Costumer Welfare and Protection Division Scammers na tumatawag at nagbabanta sa kanilang mga biktima na nagsasabing ang kanilang phone numbers ay sangkot sa scams .

“The victim is then coerced into giving money to supposedly avoid criminal charges and have their mobile numbers removed from the alleged list of scammers,” sabi ng NTC .

Bilang tugon sa nasabing ulat, mahigpit na pinaalalahanan ng NTC ang publiko na lalong maging maingay laban sa mga ganitong uri ng scam.

Ayon sa NTC, ang anumang tawag na isang uri ng scam ay hindi lehitimo.

Samantala, hinimok ng komisyon ang publiko na iulat ang anumang scams sa NTCboara sa agarang aksyon sa pamamagitan ng sumusunod na official channels kapag mayroon anumang impormasyon.

Ang mga biktima o mabibiktima ay maaring magsumbong sa NTC sa pamamagitan ng complaint link sa www.ntc.gov.ph, email sa [email protected] o [email protected], tawagan ang 24/7 consumer hotline sa 1682, or the numbers 89204464, 89267722, at 89213251 (available mula 8:00 a.m. hanggang 5:00 p.m., mula Lunes hanggang Biyernes).

“The NTC appreciates members of the public who have reported this form of deception,” ayon pa sa NTC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)