Home NATIONWIDE NTC naglunsad ng online platform sa license, permit processing

NTC naglunsad ng online platform sa license, permit processing

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng soft launch ang National Telecommunications Commission (NTC) nitong Martes, Agosto 15 ng automated platform nito para sa pagproseso ng lisensya at permit.

Ang platform o Online Processing System with Digital Payment System (OPS-DPS) project ay ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang digitalization sa gobyerno upang masiguro ang mabilis na paghahatid ng mga serbisyo.

Layon ng proyekto na mapadali at mapabilis ang pagproseso at paglalabas ng lisensya, permit, certificates, authorizations, at clearances para sa telecommunications at internet infrastructure.

Ayon sa NTC, ang pilot implementation ng sistema ay sa ilalim ng Licensing Management of the Networks and Facilities Division (NFD) at Services and Interconnection Division (SID).

Ang mga serbisyong maaaring magamit ng publiko sa sistema ay pawang mga external services ng NFD at SID, katulad ng online filing/submission of application, evaluation/processing, payment of fees at issuance ng bagong Permit to Purchase.

Sinabi ng NTC na ang DPS component ng proyekto ay nakatakdang ilunsad sa Setyembre bilang paghahanda sa grand launch ng kabuuang OPS-DPS system sa Oktubre.

Noong Hunyo, matatandaang inilunsad ng pamahalaan ang eGov PH Super App, isang application na pinagsasama-sama na ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan online sa iisang plataporma. RNT/JGC

Previous articleAparri mayor, iba pa pinangalanang persons of interest sa pagpatay sa vice mayor
Next articleDavid, nagsalita na sa relasyon nina Barbie at Jak!