Home NATIONWIDE NTC nagsagawa ng soft launching para sa licensing at permitting processes ng...

NTC nagsagawa ng soft launching para sa licensing at permitting processes ng ahensya

Inilunsad ng National Telecommunications Commission (NTC) angang automated platform para sa licensing at permitting processes ng ahensya.

Ang Online Processing System with Digital Payment System (OPS-DPS) Project ng NTC ay bilang tugon sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na bilisan ang mga hakbang para gawing digitalize ang mga proseso sa gobyerno.

Sa ilalim ng nasabing proyekto ng NTC, inaasahang mas mapapabilis ang proseso at pag-iisyu ng lisensya, permit, certificates, authorizations, at clearances para sa mga telecommunications at internet infrastructure.

Ang soft launch para sa OPS-DPS ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa by Htech Corporation ang system provider, Globe Telecom, Inc. (Globe) at mga kinatawan mula sa NTC.

Ang grand launch para sa proyekto ay target na maisagawa sa October 2023. RNT

Previous articleVisa ng Chinese national na nahulihan ng droga ipakakansela ng BI
Next articleMWP naaresto sa Sta. Ana