Home NATIONWIDE NTC nakatanggap ng 45K scam complaints sa kabila ng SIM registration

NTC nakatanggap ng 45K scam complaints sa kabila ng SIM registration

758
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) on Tuesday said na nakatanggap ito ng mahigit 45,000 reklamo sa text scams sa kabila ng implementasyon ng SIM registration.

Sa hearing ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez na nakatanggap ang mga biktima ng text scams o nagpadala ng pera sa scammers.

“During the early phase of the SIM registration, we noticed a decline in the text scam complaints received in our office. However, in the ensuing months, we again noticed a sharp increase of reported scams,” pahayag niya.

“As of date, we have received a total of 45,697 complaints related to scams,” dagdag nito.

Inihayag ni Lopez na nagpulong ang technical working group, na lumikha ng implementing rules and regulations (IRR) para sa SIM registration, noong August 29 upang talakayin ang post-registration validation mechanism.

Ito ay upang kalusin ang mga rejistrasyon na gumamit ng pekeng IDs at pagkakakilanlan.

Pinagsusumite ang telcos ng kanilang proposals para sa post-registration validation mechanism. Sa kasalukuyan, ayon kay Lopez, dalawa pa lamang ang nagpasa ng kanilang mga mungkahi.

Hanggang nitong September 3, inihayag ni Lopez na may kabuuang 118,908,469 SIM cards ang rehistrado na.

Nilalayon ng SIM Registration Act na wakasan ang mga krimencrimes gamit ang platform kabilang ang text at online scams sa pamamagitan ng regulasyon sa pagbebenta at paggamit ng SIMs sa pag-aatas ng rehistrasyon sa end-users. 

Ipinag-uutos ng batas na magsumite lahat ng public telecommunication entities ng verified list ng kanilang authorized dealers at agents sa buong bansa sa National Telecommunications Commission (NTC) at updated list nito kada quarter ng bawat taon.

Nakasaad din sa batas ang penalty sa hindi pagrehistro ng SIM, para sa breach of confidentiality, para sa breach of confidentiality due to negligence, para sa pagbibigay ng pekeng impormasyon, para sa paggamit ng pekeng pagkakakilanlan o fraudulent identification ng mga dokumento upang mairehistro ang SIM, para sa “spoofing” ng registered SIM, para sa pagbebenta ng ninakaw na SIM, at para sa pagbebenta o paglilipat ng registered SIM nang hindi sumusunod sa required registration. RNT/SA

Previous articleArrest warrant vs Teves inilabas na
Next articleVP Sara nanguna sa tree planting activity sa pagsisimula ng National Teachers’ Month

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here