MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Communication (NTC) ang mga telecommunications company na tiyakin ang kahandaan sa pananalasa ng Super Typhoon Mawar.
Sa inilabas na memorandum ni NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, inatasan ang mga telco na tiyaking may sapat na bilang ng technical o support personnel, standby generators na may extra fuel at spare equipment sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.
Iniutos din ng NTC ang mabilis na pagsasagawa ng repair at restoration ng telecommunication services sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo.
Advertisement