Home NATIONWIDE NTF-ELCAC positibo sa pakikipagtulungan kay UNSR Khan

NTF-ELCAC positibo sa pakikipagtulungan kay UNSR Khan

Manila, Philippines- Tiwala ang pamahalaang Pilipinas na ang 10 araw na pagbisita ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan ay malaki ang maitutulong sa pagpapatibay ng pamahalaan na mapayabong ang malayang pamamahayag.

Ito ang inihayag ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres Jr. sa virtual press conference ng task force nitong Huwebes.

“Ms. (Irene) Khan’s visit may provide an opportunity for constructive dialogue and cooperation on the promotion and protection of the right to freedom of opinion and expression in the country,” ani Torres.

“It may also result in concrete recommendations and follow-up actions that could address some of the existing challenges and gaps in this area. The result of our interaction with Ms. Khan will have an impact on the Philippines’ standing before the international community, emphasizing the importance of fostering a positive and collaborative relationship during her visit,” dagdag pa ng opisyal.

Ani Torres, inaasahan nila na si Khan ay magbabahagi ng kanyang mga bagong kaalaman sa iba’t ibang government agencies, civil society groups, non-government organizations, at maging mga kapanalig ng komunistang-teroristang samahan na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front.

“Evaluating the conflicting stories presented by both sides will pose a considerable challenge for her. Nonetheless, the government expresses confidence that the veracity of our narratives will prevail,” sabi ni Torres.

Umaasa aniya ang pamahalaan na hindi magiging kagaya ng pagbisita ni UN Special Rapporteur na si Ian Fry, na dapat ay magpapalawig sa karapatang pantao ngunit inirekomenda pang buwagin ang NTF-ELCAC.

Ang NTF-ELCAC ay naitatag noong December 2018 sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 na inasahan ng lahat na magiging “game-changer” sa pagsisikap ng pamahalaan na tapusin na ang 55 taon na panggugulo ng CPP-NPA-NDF.

Matapos dumating noong Lunes, nakaharap ni Khan ang matataas na opisyal gaya ni Torres, National Security Council (NSC) Assistant Deputy Director Jonathan Malaya, kung saan ipinaliwanag ng mga ito at ng Anti-Terrorism Council hinggil sa Anti-Terrorism Act ng 2020 na siyang mandato ng NTF-ELCAC.

Sandali lamang ang pagpupulong na iyon dahil sa rami ng meeting ni Khan.

Binigyang-diin ni Torres sa pulong na ang isyu ng ‘red-tagging’ ay ‘di panuntunan ng pamahalaan kundi salitang inimbento ng CPP-NPA-NDF na kanilang ginagamit para pahiyain ang gobyerno. RNT

Previous articleLotto Draw Result as of | January 26, 2024
Next articlePera ng taumbayan ‘wag gamitin sa Cha-cha petition drive – Imee