Home NATIONWIDE Nueva Vizcaya diversion road magpapaluwag sa daloy ng trapiko – DPWH

Nueva Vizcaya diversion road magpapaluwag sa daloy ng trapiko – DPWH

253
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magpapababa ng mabigat na trapiko at magpapasigla sa aktibidad ng ekonomiya sa lugar ang Bayombong-Quezon-Bagabag Diversion Road, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan nitong Huwebes, Agosto 10.

Ayon kay Bonoan, ang pagtatayo ng 3.5 kilometro, dalawang-daan na proyekto ay nagsimula ngayong araw, habang nagsimula ang civil works noong Mayo at 12.72 porsiyentong kumpleto.

Ang konstruksyon ng kalsadang ito ay hindi lamang magpapalihis ng trapiko sa kahabaan ng Maharlika Highway kundi magsisilbi rin itong mabilis at ligtas na paraan sa paligid nito.

Sinabi rin ni Bonoan na malaki rin ang pakinabang ng proyekto sa kabuhayan ng mga residente sa mga tinatahak na lugar.

Target na makumpleto ang proyekto bago matapos ang taon kung saan ito ay nilaanan ng DPWH ng P84.3 milyon.

Noong Pebrero, binuksan din ng DPWH ang Solano-Bayombong bypass road, na naglalayong bawasan ang oras ng biyahe ng Manila-Nueva Vizcaya ng wala pang isang oras. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHerlene, bumaligtad, sasali pa raw sa beaucon!
Next articleDICT nanguna sa listahan ng underspending agencies

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here