DENVER, Colorado – Plantsado na ang grand victory parade ng Denver Nuggets matapos magkampeon ang koponan sa NBA sa kauna-unahang pagkakataon.
Gaganapin ang kapana-panabik na parade sa Hunyo-15 o June 16, oras sa Pilipinas.
Base sa inilabas ng detalye ng Nuggets, magkakaroon muna ng pre-rally na susundan ng pagpapalabas sa mga higlight reel na kuha sa championship run bago gawin ang makasaysayang parade.
Gaganapin din ang g simpleng programa sa City of Denver upang bigyan parangal ang Denver players matapos masungkit ang kampeonato sa NBA.
Kasama rin sa parada ang mga trophy na napanalunan ng Denver ngayong taon, kasama na ang Bill Russell NBA Finals Most Valuable Player Award trophy, Oscar Robertson Trophy bilang mga Western Conference Champion, at ang Magic Johnson trophy.
Magiging highlights ng para ang pagpapakita sa mga fan ng pinakaaasam na tropeo – ang Larry O’Brien Trophy na tanda ng pagiging kampeon ng nasabing koponan.
Pinasalamatan ni NBA Finals MVP Nikola Jokic ang kapwa niya players na naging kasangga nito mula sa pagsisimula ng 2023 postseason hanggang sa matapos ang Finals.
Bagamat umano napakalaking bagay ang Finals trophy aniya, pero hindi umano matatawaran ang naging samahan ng mga ito sa kabuuan ng 2023 regular at post season.JC