Home METRO Number coding scheme ipatutupad sa Baguio City sa June 12, 17 holidays

Number coding scheme ipatutupad sa Baguio City sa June 12, 17 holidays

MANILA, Philippines – Magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Baguio City ng number coding scheme ngayong Araw ng Kalayaan, Hunyo 12, at sa Hunyo 17, 2024, isa ring holiday.

Iginiit ng Sangguniang Panlungsod ng Baguio ang City Ordinance 01-2002 na nagpapatupad ng local number coding scheme sa lungsod tuwing holiday basta’t hindi sususpendihin ng executive order.

Ayon sa Baguio city government, ipinatutupad ang number coding scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. RNT/JGC