Home METRO Number coding suspendido mula Dis. 25 ‘gang 26

Number coding suspendido mula Dis. 25 ‘gang 26

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes, Disyembre 22 na suspendido ang number coding scheme sa araw ng Pasko, Disyembre 25, at Disyembre 26, isang holiday.

Ayon sa MMDA, ang suspensyon ng number coding scheme, o tinatawag na Unified Vehicle Volume Reduction Program (UVVRP), ay bahagi ng hakbang ng pamahalaan para sa mas matiwasay na biyahe ng publiko ngayong holiday season.

“Saan man ang destinasyon ngayong Kapaskuhan, laging tandaan: planuhin ang biyahe, sumunod sa batas trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho,” abiso ng MMDA sa publiko.

Sa kasalukuyan, umiiral ang number coding scheme mula Lunes hanggang Biyernes sa window hours na 7 a.m. hanggang 10 a.m., at 5 p.m. hanggang 8 p.m., hindi kasama ang holiday. RNT/JGC

Previous articleMangingisda, tindero ng isda, 2 pa nalambat sa Navotas buy bust
Next articleLGBTQIA+ Special Committee nilikha ni PBBM