Home NATIONWIDE Nursing attendants bilang “substitute” nurse, ikinabahala

Nursing attendants bilang “substitute” nurse, ikinabahala

92
0

MANILA, Philippines – Nababahala si Dr. Teresita Barcelo, dating pangulo ng Philippine Nurses Association (PNA), kaugnay sa plano ng ilang ospital na gawing substitute para sa mga nurse ang mga nursing attendants bunsod ng kakulangan sa mga nurse sa bansa.

“If there are less trained people without the qualifications that are needed by a registered nurse to give the essential nursing care, then the Filipino public may be shortchanged,” ani Barcelo.

Ipinunto rin niya na obligado sa apat na taon ng training ang mga nurse para makakuha ng Bachelor of Science in Nursing, na tanging kwalipikasyon na kinikilala ng Professional Regulation Commission.

Dahil nga sa kakulangan, napipilitan ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na tumanggap ng nursing attendants para magsagawa ng non-sensitive medical tasks katulad ng pagkuha ng blood pressure.

Ayon kay Barcelo, ang short-term solution na ito ay maaaring magdulot ng mas matinding problema sa hinaharap.

Matatandaan na aktibo nang gumagawa ng paraan ang Department of Health at PHAPi upang tugunan ang problema sa kakulangan ng nurse sa Pilipinas, kung saan karamihan sa mga ito ay nangibang-bansa dahil sa mas mataas na sahod doon. RNT/JGC

Previous articleIlang LGU handang tumulong sa Turkey quake victims – OCD
Next article3-4 dagdag na subway sa Metro Manila, pinag-uusapan sa Japan – DOTR