Home NATIONWIDE Nutribun program ni Marcos Sr. binuhay ng solon

Nutribun program ni Marcos Sr. binuhay ng solon

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Senador Imee Marcos nitong Linggo, Nobyembre 5 ang distribusyon ng fortified nutribun sa Santiago City, Isabela sa pagsisimula ng tatlong buwang feeding program upang labanan ang malnutrisyon sa mga bata edad 3 hanggang 5.

Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang nutribun program ng yumaong ama at dating Presidente Ferdinand Marcos Sr. na nagpasimula ng ganitong programa sa kanyang termino.

Ang nutribun ay isang tinapay na ginagamit sa feeding programs sa mga paaralan sa bansa upang labanan ang child malnutrition. RNT/JGC

Previous articleImbestigasyon sa nawawalang beauty queen gumugulong na! – Acorda
Next articleSiksikan sa mga kulungan, inaasahang matutugunan sa jail decongestion summit