Home NATIONWIDE Nutrisyon sa Pinas pinag-usapan ng DOH at WB

Nutrisyon sa Pinas pinag-usapan ng DOH at WB

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa World Bank para sa pagpapabuti ng paghahatid ng health at nutrition services at i-highlights ang kahalagahan ng equity at access para sa universal health care (UHC).

Kasama ni Vergeire ang iba pang opisyal ng ahensya nang pangunahan ang pagpupulong sa World Bank upang talakayin ang mga istratehiya sa pagpapatupad ng World Bank Technical Mission, isang inisyatiba na sumusuporta sa iba’t ibang proyektong pinondohan ng World Bank na ipinatutupad ng Department of Health.

Umikot ang talakayan  sa Philippine Multisectoral Nutrition Project, Philippine COVID-19 Emergency Response Project, at Local Health Systems para sa Universal Health Care.

Sa pagpupulong, binigyang-diin ni  Vergeire ang marami at malalaking kontribusyon ng World Bank sa pagtugis ng Department of Health sa Universal Health Care.

“We thank the World Bank for their continuous support to the Department of Health, most especially in ensuring equity and access to health and nutrition services.

This partnership is a testament to our renewed commitment to better all that we do for the healthcare system, and we hope that by effectively implementing all of these initiatives, we will be able to continously provide all Filipinos with quality, accessible, and responsive healthcare services.”, sabi ng health OIC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articlePH pinaghahanda ni Binay sa ‘Big One’
Next articleEumir Macial wagi via TKO vs Villalba