Home OPINION NWRB NAKIBAHAGI SA OBSERBASYON NG “WORLD OCEANS DAY”

NWRB NAKIBAHAGI SA OBSERBASYON NG “WORLD OCEANS DAY”

SA bisa ng special order no. 2023-026 na nilagdaan ni Dr. Sevillo David, Jr., executive director ng National Water Resources Board ay nakibahagi ang sampung kawani nito sa isinagawang coastal clean-up activity kaugnay sa pagdiriwang ng World Oceans Day nitong June 8, 2023 na may temang “Planet Oceans: Tides are Changing”.

Ang mga NWRB personnel na sina Josephine Abellana, Alpha Areniego, Ma. Pia Gabrielle Bautista, Ryan Carlo Beton, Ma. Cecilia Dela Cruz, Selina Bianca Frias, Caryl Faith Lebantino, Alvin Marticio, Freland Nicdao, at Eymard Nestor Solima ay lumahok sa coastal clean-up na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources sa iba’t ibang bahagi ng Metropolitan Manila.

Sa kabuuan ng ginawang aktibidad, nakakolekta ng 1,252 sako ng basura na binubuo ng single-use plastic bags, styrofoam, plastic wrappers, straws, utensils, cans at sachets na hindi naman dapat napupunta sa mga karagatan.

Suportado ng NWRB ang selebrasyon na pinanguna-han ng DENR lalo pa’t naniniwala si Dr. David ukol sa kahalagahan ng human action at social mobilization para sa sustainable management ng coastal at marine ecosystems na lubhang nanganganib sa kasalukuyan dulot ng aktibidad ng mga tao.

Sa pag-aaral ng International Union for Conservation of Nature, umaabot sa 14 million tons ng plastic ang napupunta sa mga karagatan bawat taon.

Noong taong 2008 ay ina-prubahan ng United Nations General Assembly ang paggunta sa natatanging araw para sa mga karagatan na nagsi-mula noong taong 2009.

ISANG MILYON TRABAHO INAALOK NG KINGDOM OF SAUDI ARABIA

Kasabay sa inanunsyo ng Department of Migrant Wor-kers na alok na one million na trabaho ng Kingdom of Saudi Arabia sa mga Pilipino ay pinag-iingat ng kagawaran ang mga magbabalik-trabaho na overseas Filipino workers at mga bagong aplikante dahil tiyak umanong sasamantalahin ng mga manloloko at pekeng recruiter ang napakalaking job placement. Kaya hindi dapat umanong basta maniwala sa mga indibidwal na mangangako ng pagproseso ng kanilang mga papeles para makapagtrabaho sa Saudi Arabia na may kapalit na halaga.

Dapat seguruhin sa POEA o sa Philippine Overseas Employment Agency na rehistrado ang recruitment agency na nag-aalok sa inyo.

Makikita naman sa website ng ahensiya ang mga legal at awtorisadong mga agencies, o maaaring magtungo mismo sa DMW o sa POEA.

Paalala, maging wais at huwag maging biktima ng mga naglipanang manloloko.

Previous articlePanuntunan sa July 24 learning camp isinasapinal na ng DepEd
Next articleAngeline at jowa, pinag-uusapan na ang kasal!