Home NATIONWIDE NYC kinalampag sa kawalang-aksyon sa taas-sahod ng SK officials

NYC kinalampag sa kawalang-aksyon sa taas-sahod ng SK officials

261
0

 

Pinakikilos ni Kabataan party-list Rep Raoul Manuel ang National Youth Commission (NYC) na aksyunan ang matagal nang delay sa pagtaas ng sahod ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan(SK).

 

Ayon kay Manuel ang SK Compensation and Empowerment Law ay naisabatas noong nakaraang taon subalit wala pa ring Implementing Rules and Regulations (IRR) para dito kaya hindi naipatutupad.

 

Aniya sa ilalim ng Section 14 ng nasabing batas ay dapat nakumpleto na ang IRR, 60 araw mataps itong maisabatas.

 

“But until now, the NYC is yet to release an IRR. NYC’s mandate is to manage and push for the SK’s benefits as young public servants. And so we ask NYC: where is the IRR? It has been a year but there is no IRR yet,” giit ni Manuel.

Advertisement

 

Sa ilalim ng nasabing batas ay bibigyan na rin ng honoraria benefits ang mga SK members na dati ay limitado lamang na natatanggap ng mga SK Chairman. Gail Mendoza

Previous articleNPD Drug Enforcement Unit office niratrat ng bala, grinanada pa
Next articleWilma tinawag na kabayo!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here