MANILA, Philippines – Itinakda ng Supreme Court (SC) sa Disyembre 22 ang oath-taking at roll-signing ceremonies para sa mga nakapasa sa 2023 Bar.
Inanunsyo ng SC Public Information Office na gaganapin oath-taking at roll-signing ceremonies sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Sinabi rin ng Korte na walang magaganap na pagtaas sa singil sa Bar Admission Fees ngayong taon.
Hinikayat ang mga examinees at kanilang mga bisita na magsagawa na ng kaukulang logistical preparations.
Magugunita na 10,300 mula sa 19,791 examinees ang nakatapos sa 2023 Bar examination.
Dati nang ipinangako ni Bar exam committee chair Associate Justice Ramon Paul Hernando ang maagang pagpapalabas ng resulta ng Bar para agad magsimula sa trabaho ang mga nakapasa. Teresa Tavares