Home SPORTS Obiena nakatutok sa finals ng World Athletics Championships

Obiena nakatutok sa finals ng World Athletics Championships

MANILA, Philippines – Umusad ang Filipino pole vault star na si EJ Obiena sa World Athletics Championships final matapos niyang lusutan ang 5.75 metro sa Budapest, Hungary event noong Miyerkules.

Kakaharapin niya sa final ang malalakas na manlalarong kagaya ninaworld champion at Olympic rival na si Armand Duplantis ng Sweden at Christopher Nilsen ng America, ang World No. 2.

Ang No. 3 pole vaulter sa mundo, si Obiena ay nakalibre ng 5.55 metro sa kanyang unang pagtatangka pagkatapos ay 5.75 metro sa kanyang pangalawa.

Kuwalipikado rin sa final sina Kurtis Marschall ng Australia, Thibaut Collet ng France, Ersu Sasma ng Turkiye, Ben Broeders ng Belgium at Claudio Stecchi ng Italy.

Sa Group B, qualified din sina Jie Yao at Bokai Huang ng China, Zach Mcwhorter ng America, Piotr Lisek ng Poland at Robert Sobera.

“Sobrang init, pero nakarating kami sa finals,” sabi ni Obiena sa isang post sa Facebook.

Ang final ay magaganap sa Sabado, Agosto 26.

Nanalo si Obiena ng bronze medal sa World Athletics Championships sa Eugene Oregon noong nakaraang taon.JC

Previous article10 FIBA players na babantayan sa World Cup
Next articleAFP nagpasalamat sa int’l community sa suporta sa Pinas sa S. China Sea row