Home SPORTS Obiena sumungkit ng gold sa Croatia

Obiena sumungkit ng gold sa Croatia

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Filipino Olympic pole vaulter EJ Obiena ang kanyang unang gintong medalya ng taon matapos dominahin ang Memorial Josip Gasparac indoor event sa Croatia.

Nalampusan ni Obiena ang 5.83-meter mark para maiuwi ang kanyang unang ginto ng taon.

Tinalo niya sina Pedro Buaro ng Portugal, na pumangalawa sa 5.73 metro, at Olen Tray Oates ng United States, na nagtapos na may 5.61 metro.

“Ang indoor season ay nagsimula na sa wakas. 5.83 para sa panalo dito,” ani Obiena sa post ni sa kanyang official Facebook page.

““Thank you for having us and putting on a great atmosphere,” dagdag niya.

Ito ang unang kompetisyon ni Obiena mula noong Hangzhou Asian Games noong nakaraang taon, nang magtapos siya ng gintong medalya.

Sasabak ang world No. 2 pole vaulter sa ISTAF Indoor sa Berlin, Germany sa Pebrero 23.

Lalahok din siya sa sa World Indoor Championship sa Glasgow, Scotland.JC

Previous article$2M pabuya sa pagkakaaresto kay Quiboloy, itinanggi ng FBI
Next articleKai maraming natutunan kay Cone