Home NATIONWIDE Obispo sa AFP sa pagbisita ni Austin: ‘Kapakanan ng bansa, unahin’

Obispo sa AFP sa pagbisita ni Austin: ‘Kapakanan ng bansa, unahin’

128
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang isang Obispo na uunahin ang ikabubuti ng Pilipinas at ng ating hukbong sandatahan tuwing makikipagpulong sa ibang bansa.

Ito ang panalangin ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa pagbisita ni United States of America Department of Defense Secretary Lloyd Austin III sa Pilipinas.

“May this meeting embrace always, the common good of the nation and our people,” bahagi ng mensaheng ipinadala sa Radio Veritas.

Nawa ayon sa Obispo ay maging ehemplo o mapukaw ng simbahang Katoliko sa buong mundo ang Armed Forces of the Philippines at iba pang military units ng magkakaibang bansa.

Ito ay dahil sa pagsasabuhay ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa gawain ng pakikipag-diyalogo upang maisaayos ang mga hindi pagkakaintindihan at higit na mapalalim ang pagkakaunawaan sa kapwa.

“Ang sa akin, I wish and pray that whatever is the objectives and plans for the visit of the US Defense Secretary, may it be fruitful, at siguro tingnan lagi ang ikabubuti ng ating bansa at ng Armed Forces natin.”

Martes ng gabi, Enero 31 nang dumating si Austin sa Pilipinas upang makipagpulong sa mga opisyal ng bansa higit na ang Department of Defense ng Pilipinas at mapatibay ang military ties ng dalawang bansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePresensya ng mga pulis sa eskwelahan, papayagan ng school officials
Next articleMayor Tiangco, sang-ayon sa single ticketing system