Home METRO Obrero arestado sa saksakan sa PUP campus

Obrero arestado sa saksakan sa PUP campus

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang construction worker matapos saksakin ang kapwa trabahador sa loob ng kanilang quarters sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa, Manila.

Kinilala ang suspek na si Albert Solayao, 31, construction worker sa main building ng PUP.

Ayon sa pulisya, nag-inuman ang mga biktima na sina Jason Flores, 26 at Rominic Abayon, 25, sa nasabing lugar nang hamunin ng suspek ang mga ito nang suntukan.

Upang makaiwas sa gulo, agad na lumabas si Flores ngunit sinundan siya ng suspek at sinuntok sa mukha.

Sinubukan ng isa pang biktima na tulungan si Flores, ngunit bumunot ng kitchen knife ang suspek at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Humingi ng tulong ang ibang construction worker sa security guard na naka-duty.

Dinala ang suspek sa Ospital ng Sampaloc para sa physical examination at kalaunan ay dinala sa MPD Sta. Mesa Station para sa imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP221-M AICS ipinamahagi sa 98K benepisaryo sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan
Next articleC. Visayas companies sinusuyod ng DOLE vs ‘di pagsunod sa taas-sahod