MANILA, Philippines – Kulungan ang kinasadlakan ng isang construction worker matapos pasukin ang bahay ng kalugar na bebot ang pagnakawan sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kasong paglabag sa Articlr 308 (Theft) ang isinampa ng pulisya kontra sa naarestong suspek na kinilala bilang si Rosalito Banajos, 33 ng 517 Ilang-ilang St., Brgy., NBBS Proper.
Sa pahayag ng biktimang si Mary Jean Arceo, 36, kay PSSg Billy Godfrey Aparicio, ipinatong niya sa taas ng kanilang cabinet sa loob ng kanilang bahay sa 521 Ilang ilang St., Brgy. NBBS Proper dakong ala-1:40 ng hapon ang kanyang dalawang cellphones saka pumunta siya sa comfort room dahil sa personal na pangangailangan.
Nang pagbalik ng biktima, nakita niya ang suspek na hawal ang kanyang cellphones saka sinigawan niya ng “Anung ginagawa mo dito”!?.
Kaagad tumakbo ang suspek palabas na tinangkang habulin ng biktima subalit, hindi na niya ito naabutan habang nang tignan niya ang kanyang mga gamit ay nadiskubre niya na wala na ang kanyang tatlong cellphones na nasa P29,000 ang halaga, Seiko 5 watch na nasa P8,500 ang halaga at wallet na may cash na P2,500, kasama ang kanyang identification cards.
Humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Sub-Station 4 na agad namang nagsagawa ng follow up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek subalit, hindi na narekober ang mga tinangay sa biktima. Boysan Buenaventura