Home METRO Obrero kinatay ng katrabaho

Obrero kinatay ng katrabaho

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Hanggang sa ngayon ay pinaghahanap pa rin ng mga otoridad ang isang obrero na sangkot sa umano’y pagpatay sa kapwa nito mangggagawa sa Ascado Residence, Purok 1, Brgy. Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Napoleon Kenonde, 57 anyos, may asawa na residente ng Brgy. San Nicolas Extension, Bayombong habang kinilala naman ang suspek na si Willie Boy Ascado, 27 anyos, na residente ng Brgy. Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya na naitalang kapwa laborer.

Una rito, nag-inuman umano ang suspek at biktima at ilang saglit lamang ay may narinig na lamang umano nito ang pagtatalo ng dalawa ng kanilang kasamahan sa trabaho.

Laking gulat nang makita ang suspek na may bitbit na tubo na may bakas ng dugo habang nakahandusay naman sa sahig ang duguang biktima.

Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima. Rey Velasco

Previous articleDelegasyon ng PH sa WHO session vs tabako, pinalagan sa Senado
Next articleUPCAT 2025 itinakda sa August 10 ‘gang 11