Home METRO Obrero niratrat, patay; barangay chairman, 2 kapatid sugatan

Obrero niratrat, patay; barangay chairman, 2 kapatid sugatan

BANGUED, Abra- Patay sa pamamaril ang isang obrero habang sugatan ang isang barangay chairman at dalawa niyang kapatid habang patungo sa court hearing sa bayang ito nitong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang bikimang construction worker na si Demy Peralta, residente ng Barangay Calot sa lugar na ito.

Sakay si Peralta ng isang van na minamaneho ng kanyang bayaw na si Barangay Calot Chairman Robert Bio kasama ang kanyang mga kapatid na sina Benson at Raymart nang pagbabarilin sila sa Sitio Silag, Barangay Calot, bandang alas-7 ng umaga.

Pumanaw si Peralta dahil sa natamong mga tama ng bala habang nasugatan naman ang mga Bio at dinala sa ospital.

Narekober ng mga pulis ang empty bullet shells mula sa crime scene. 

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng follow-up investigation sa insidente. RNT/SA