Home METRO Obrero pinagsasaksak ng kaalitang senior citizen

Obrero pinagsasaksak ng kaalitang senior citizen

Bulacan – Arestado ang 60-anyos na lalaking vendor na nanaksak ng 27-anyos na kaalitang construction worker nang magkrus ang kanilang landas sa bayan ng Bustos.

Kinilala ang suspek na si Romeo Yadao, may-asawa habang ang biktima ay si Chris Vibar kapwa residente ng Brgy. Poblacion.

Sa report ng Bustos police, naganap ang insidente bandang-7:30 ng gabi nitong Linggo, Hunyo 4 sa Brgy. Poblacion.

Ayon sa report ng pulisya, kinompronta ng biktima ang suspek na armado ng kutsilyo nang magkrus ang kanilang landas at inungkat ang dating sigalot.

Dahil dito, lalong nagkainitan ang dalawa hanggang sa walang kaabog-abog na pagsasaksakin ng suspek ang biktima na tumama sa kanang braso at binti niya.

Agad isinugod sa Bulacan Medical Center ang biktima para sa paunang lunas habang nasukol naman ng mga rumespondeng Brgy. Tanod ang suspek at isinuko sa pulisya kalaunan.

Nahaharap ang suspek sa kasong Frustrated Murder habang nakakulong sa naturang himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articlePagyanig sa Bulkang Taal, tuloy-tuloy pa rin
Next article8.6% Maharlika equity return, mahirap – Pimentel