Home METRO Obrero timbog sa P1.8M shabu

Obrero timbog sa P1.8M shabu

TACLOBAN CITY- Nasabat ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.8 milyon mula sa isang welder sa buy-bust operation nitong Araw ng mga Puso.

Kinilala ni Police Col. Michael Palermo, city police chief, ang suspek na si Kenneth Labong.

Ani Palermo, itinuturing si Labong na high-value target sa illegal drugs trade.

Nakuhanan si Labong ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu, 17 small heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu, at dalawang plastic sachets na may lamang shabu.

Kinasuhan na ang suspek na sumailalim sa inquest proceedings ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA

Previous articleImee ‘di tatakbong mayor ng Maynila
Next articleDA sa mga magsasaka: Gumamit ng water-saving tech sa gitna ng El NiƱo