MANILA, Philippines – Nanawagan sa pamahalaan ang isang Obispo na pababain ang inflation rate at bigyan ng trabaho ang mamamayang Filipino.
Ang panawagan ay hiniling ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo matapos muling maranasan ang pinakamataas na inflation at unemployment rate.
“Alam nating may problema at gusto natin malaman na yun man lang ay mayroong paraan at ginagawa ito ng gobyerno para mapigilan, mapababa ang inflation at mabigyan ng trabaho ang mga mamamayan,” sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Pabillo.
Mensahe din ng Obispo sa mamamayan at manggagawa na huwag mawalan ng pag-asa at ugaliin ang pagtitipid sa panahon ng matinding krisis ng ekonomiya.
Ito ay upang magkasya ang kanilang pera sa mga gastusin at patuloy na maitaguyod ang kanilang mga pamilya.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority 8.7% noong Enero 2023 at 2.22 milyon na ang unemployment rate noong Disyembre 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden