MANILA, Philippines – Inuga ng magnitude 4.8 na lindol ang Occidental Mindoro nitong Miyerkules, Setyembre 6, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa bulletin, sinabi ng Phivolcs na naitala ang lindol 2:53 ng hapon, siyam na kilometro hilagang-silangan ng Santa Cruz, Occidental Mindoro.
Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 30 kilometro.
Naramdaman ang Intensity III ng lindol sa Calapan City at Puerto Galera, Oriental Mindoro.
Intensity II sa Abucay, Bataan at Ternate, Cavite.
Habang Intensity I naman sa Batangas City sa Batangas, Tagaytay City sa Cacvite, Boac, Marinduque, San Jose, Abra De Ilog at Magsaysay sa Occidental Mindoro.
Wala namang iniulat na napinsala o nasaktan sa lindol. RNT/JGC