MANILA, Philippines- Nagdulot ang magnitude 6 lindol na tumama sa Davao de Oro onitong Miyerkules ng P21,463,000 pinsala sa imprastraktura, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) ntiong Linggo.
Bukod sa 543 tahanan, napinsala rin ng lindol ang 203 pang istraktura, base sa pinakabagong OCD-National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) disaster bulletin.
Subalit, wala namang kalsada o tulay ang labis na napinsala.
Wala ring major communication at water interruptions, at nakumpuni na lahat ng apektadong linya ng kuryente.
Samantala, 340 indibidwal o 83 pamilya ang naapektuhan ng lindol na may epicenter 12 kilometers northeast ng New Bataan, Davao De Oro.
Sinabi rin ng OCD na walang namatay o nawawala dahil sa lindol, subalit 16 indibidwal ang nagtamo ng sugat.
Naipamahagi na rin ang P360,000 tulong sa mga apektadong indibidwal. RNT/SA