Home NATIONWIDE OCD: Preemptive evacuation sa Batanes, Cagayan towns asahan sa paglapit ni ‘Mawar’

OCD: Preemptive evacuation sa Batanes, Cagayan towns asahan sa paglapit ni ‘Mawar’

286
0

MANILA, Philippines- Sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Miyerkules na inaasahan ang pagkakasa ng preemptive evacuations sa coastal towns ng Batanes at bahagi ng Cagayan sa paglapit ng Bagyong Mawar sa bansa.

“Based sa forecast, kasi itong tinutumbok niyan Batanes and parts of Cagayan so possibility pa lang na magkaroon ng preemptive,” pahayag ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

Maaaring isagawa ang posibleng preemptive evacuation ngayong weekend sa paglapit ni Mawar sa Pilipinas, base kay Alejandro.

Inihayag niya na pagdedesisyunan ng local disaster risk reduction and management councils ang paglikas.

Nakahanda na ang relief goods sa Batanes at Cagayan maging ang mga karagdagang suplay sa Central Luzon, patuloy niya.

Humina na si Mawar, na nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR), sa isang bagyo nitong Miyerkules ng umaga, base sa state weather bureau PAGASA.

“‘Yung binabantayan natin na si dating super typhoon Mawar na nasa labas pa rin ng Philippine area of responsibility… humina ang intensity nito at naging isang typhoon category na lamang,” ani PAGASA weather specialist Rhea Torres sa isang panayam.

“Ngunit naga-undergo ito o dumadaan sa tinatawag nating eyewall replacement cycle, ibig sabihin bahagyang hihina po ito or posible o mataas ang tsansa na lalakas o babalik ito into a super typhoon category within 24 hours,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleUnang high-powered hybrid rocket ng Pinas, inilunsad!
Next article4 pugang Japanese, dineport ng BI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here