Home METRO OCD Region 2 isinailalim sa red alert status sa nakaambang bagyo

OCD Region 2 isinailalim sa red alert status sa nakaambang bagyo

255
0

MANILA, Philippines- Isasailalim sa Red Alert Status ang Office of Civil Defense (OCD) Region 2 ngayong araw kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang super typhoon Mawar na tatawaging Betty.

Ayon kay Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2 na ngayong araw ay magkakaroon Response Cluster Meeting upang paghandaan ang malakas na bagyo.

Nakita nila ang paghagupit ng malakas na bagyo sa Guam at bagama’t una nang sinabi ng PAG-ASA na maliit ang posibilidad na tumama sa kalupaan ang bagyo ay maapektuhan pa rin nito ang Northern Luzon pangunahin na sa mga coastal areas ng Cagayan at Isabela.

Sinabi pa ni Conag na mahigpit ang isasagawang preposition at paghahanda ng mga Local Government Units na maaring maapektuhan ng Super Typhoon Mawar.

Pangunahin din nilang tututukan ang mga binabahang lugar at mga landslide areas kabilang na ang mga coastal towns ng Cagayan at Isabela.

Pinapahanda na rin nila sa mga LGUs ang kanilang mga evacation centers at prepositioning ng kanilang mga Food and Non-Food items.

Kapag isinailalim na sa red alert status ang OCD Region 2 ay hindi na rin papayagang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pangisda at sa araw ng Linggo ay hindi na papayagang maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Inatasan na rin ang mga LGUs na magpatupad ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Samantala, inihayag ni Isabela Gov. Rodito Albano ay nakahanda na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Atty. Constante Forronda at tiniyak nitong  naka-prepositon na ang mga kailangang kagamitan bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar.

Inihayag pa ni Gov. Albano na ipinapaubaya niya sa mga Local Government Units ang pagpapasya kung suspendihin ang klase ngayong araw upang hindi masayang ang pag-aaral ng mga bata.

Pinapatutukan din nito sa PDRRMO ang mga lugar na binabaha sa Isabela.

Kasabay nito, umiiral na ngayon ang liquor ban sa lalawigan ng Isabela. Rey VelascoMANILA, Philippines- Isasailalim sa Red Alert Status ang Office of Civil Defense (OCD) Region 2 ngayong araw kapag pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang super typhoon Mawar na tatawaging Betty.

Ayon kay Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2 na ngayong araw ay magkakaroon Response Cluster Meeting upang paghandaan ang malakas na bagyo.

Nakita nila ang paghagupit ng malakas na bagyo sa Guam at bagama’t una nang sinabi ng PAG-ASA na maliit ang posibilidad na tumama sa kalupaan ang bagyo ay maapektuhan pa rin nito ang Northern Luzon pangunahin na sa mga coastal areas ng Cagayan at Isabela.

Sinabi pa ni Conag na mahigpit ang isasagawang preposition at paghahanda ng mga Local Government Units na maaring maapektuhan ng Super Typhoon Mawar.

Pangunahin din nilang tututukan ang mga binabahang lugar at mga landslide areas kabilang na ang mga coastal towns ng Cagayan at Isabela.

Pinapahanda na rin nila sa mga LGUs ang kanilang mga evacation centers at prepositioning ng kanilang mga Food and Non-Food items.

Kapag isinailalim na sa red alert status ang OCD Region 2 ay hindi na rin papayagang maglayag ang mga maliliit na sasakyang pangisda at sa araw ng Linggo ay hindi na papayagang maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Inatasan na rin ang mga LGUs na magpatupad ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Samantala, inihayag ni Isabela Gov. Rodito Albano ay nakahanda na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Atty. Constante Forronda at tiniyak nitong  naka-prepositon na ang mga kailangang kagamitan bilang paghahanda sa Super Typhoon Mawar.

Inihayag pa ni Gov. Albano na ipinapaubaya niya sa mga Local Government Units ang pagpapasya kung suspendihin ang klase ngayong araw upang hindi masayang ang pag-aaral ng mga bata.

Pinapatutukan din nito sa PDRRMO ang mga lugar na binabaha sa Isabela.

Kasabay nito, umiiral na ngayon ang liquor ban sa lalawigan ng Isabela. Rey Velasco

Previous articleHigit 8M nabakunahan sa Chikiting Ligtas 2023 – DOH
Next articleALAMIN: Iskedyul ng F2F oathtaking ng bagong LPTs

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here