Home HOME BANNER STORY Oct. 30 BSKE idineklarang special non-working day ni PBBM

Oct. 30 BSKE idineklarang special non-working day ni PBBM

MANILA, Philippines –  IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections bilang non-working day sa Pilipinas.

Layon nito na payagan ang mga filipino na bumoto sa Oktubre 30.

“It is imperative that the people be given the full opportunity to participate in the said elections and exercise their right of suffrage,” ang inihayag ni Pangulong Marcos sa ilalim ng Proclamation No. 359, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, araw ng Lunes, Oktubre 9.

Binigyan naman ng Korte Suprema ng go signal ang Commission on Elections (Comelec) na ituloy ang pagsasagawa ng barangay at SK polls na nakatakda sa Oktubre 30, 2023, gaya ng naunang nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 11935. Kris Jose

Previous articleLotto Draw Result as of | October 10, 2023
Next article133 dagdag-kaso ng COVID; 3,029 aktibong kaso