MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Overseas Filipino worker (OFW) na hinihinalang menor-de-edad at may bitbit na pekeng dokumento.
Ang babaeng OFW ay naharang ng mga BI officers sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 bago pa man makasakay sa Philippine Airlines patungong Jeddah upang magtrabaho bilang isang household service worker (HSW).
Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco na ang nasabing OFW na biktima ng isang walang konsensiyang agency ay nagpakita ng dokumento na siya ay isang 24-anyos.
“However, it was apparent in her demeanor that something was off,” ani Tansingco. “She was obviously younger than her presented age,” ayon pa sa BI Chief.
Ang biktima ay nagpakita ng pasaporte na may working visa na siya ang 24-anyos subalit nadiskubre ng mga BI officers na dinoktor ang kanyang birth certificate.
Nabatid na pinapayagan sa Middle East ang sinumang magtrabaho bilang HSWs na kinakailangang 24-anyos ang edad.
Advertisement