Home NATIONWIDE OFWs na uuwi galing Israel aasistihan ng OWWA, DMW

OFWs na uuwi galing Israel aasistihan ng OWWA, DMW

MANILA, Philippines- Inaasahang darating sa Miyerkules mula Israel ang 18 Pilipino na makatatanggap ng financial assistance matapos mawalan ng trabaho dahil sa digmaan sa pagitan ng Israel at militanteng Hamas sa Gaza, ayon sa Overseas Workers Welfare Administration.

Sinabi ni OWWA Administration Arnel Ignancio sa panayam na ang 131 Pilipino sa Gaza at nanatiling naghihintay na makatawid sa Egypt kung saan naghihintay ang mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Anang opisyal, sa ngayon ang mga nakauwing mga OFW hanggang Okt.14 ay nasa 28 na.

Ngunit sinabi ni Ignacio na ang mga umuwi ay hindi dahil lamang dahil sa nagaganap na kaguluhan subalit karamihan sa kanila ay naka-iskedyul nang umuwi.

Ayon pa kay Ignacio, makakukuha ng tulong mula sa gobyerno ang mga OFW na ang mga kabuhayan ay nagambala sa pag-atake noong Oktubre 7 ng militanteng Hamas sa ilang bahagi ng Israel at operasyon ng Israel.

Magbibigay aniya ang OWWA ng P50,000 na tulong at ang Department of Migrant Workers ay magbibigay din ng counterpart funding na karagdagang P50,000. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleNigerian nat’l na sabit sa pagkamatay ng bebot na natagpuang hubo’t hubad, tinutugis
Next articleSeguridad ni Castro titiyakin ng Kamara