Manila, Philippines – Nagdulot ng confusion among the netizens ang ipinost na dalawang identification cards ni Ogie Alcasid ng membership niya sa kinabibilangang golf associations na kinabibilangan niya.
Palibhasa kasi’y isa sa dalawang ‘yon ay ang ID ng singer-songwriter sa Federation of Philippine Amateur Senior Golf Club.
One netizen mistook him for a senior citizen bagama’t nagpost ito ng paghanga.
Comment nito: “Gorgeous @60!”
Maging ang ate or elder sister ni Ogie ay nagulat.
Pero paglilinaw ni Ogie: “Senior golfer, ate!”
Even fellow singer Gary Valenciano expressed disbelief over Ogie’s mistaken age.
Ani Gary V: “Nauna ka pa?” implying Ogie was born ahead of him.
Pero bigla namang kumambyo ang binansagang Mr. Pure Energy: “Baka naman señor, hindi senior.”
Para sa kaalaman ng lahat, isinilang si Ogie–whose real name is Herminio–noong August 27, 1967.
Doing the math, siya’y 55 anyos pa lang na siya rin naman niyang magalang na sagot sa netizen who mistook him for a senior citizen.
“Fifty five lang po,” ani Ogie bilang klaripikasyon.
Ang tinatawag na senior citizen sa bansa ay pag sumampa na ang sinumang mamamayan sa edad na 60.
Kabilang sa mga benefits o pribilehiyo ng isang senior citizen ay ang ipinagkakaloob na 20% discount sa mga binibiling gamot, pagkain sa mga restaurant, panonood ng sine, pamasahe at iba pang serbisyo.
Isinusulong ni Senator Bong Revilla sa Senado na gawing 56 ang senior age para raw ma-enjoy ng mga ganitong edad ang mga ganoong perks. Ronnie Carrasco III