MANILA, Philippines – Busina para sa mga motorista dahil magkakaroon na naman ng panibagong round ng pagtaas sa kada litro ng presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
Sa pagtataya ng presyo para sa Mayo 30 hanggang Hunyo 5 na linggo ng kalakalan, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro.
Samantala, ang Diesel ay inaasahang walang pagbabago sa presyo.
Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw.
Ang pinakahuling paggalaw ng presyo ay nagdala ng year-to-date netong pagbaba para sa diesel sa P5.05 kada litro at kerosene sa P6.40 kada litro.
Ang gasolina naman ay may year-to-date net increase na P5.00 kada litro. RNT